|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
| ||||||||||
|
|
|
|
|
|
|
|
|
| ||||||||||
|
|
|
|
|
|
|
| sa aming ikalawang araw sa kyoto kami ay nagtungo sa 2 lugar kung saan mababalik tanaw ang lumang japan. ang unang balak ay ang makadaan sa tatlong templo at sa imperial castle subalit dahil sa kakulangan ng oras (at sa di inaasahang tanghaling pag-gising) nauwi kami sa pagpunta sa dalawang lugar lamang. unang naging destinasyon ay ang kiyomizu temple. pagkababa sa 30-minute bus ride (na nagkakahalagang Y500 pero unlimited na na sakay sa bus), naglakad kami paakyat ng bundok upang marating ang templo (buddhist malamang). Kasama sa mga ginawa namin ang paghuhugas ng kamay, pagtirik ng insenso, pagpapapiktyur, pagring ng dambana, pagpapapiktyur, paglalakad, pagkain ng dango (Y400 15 pieces), etc. matapos nun, naglakad kami ng mga trenta minutos (para umiwas sa trapik) at sumakay ng bus ng mga trenta minutos muli par marating ang nijo castle. kilala ang nijo castle dahil sa maingay nitong sahig (squaking floors) na humuhuni tulad nightingale kung may aapak dito (proteksyon ng shogun laban sa mga ninja). bawal kumuha ng litrato sa loob, kung kaya't puro sa hardin na lamang ang mga litrato. matapos nito kami ay sumakay sa bus pabalik sa kyoto at sumakay, at isa pang bus papauwi naman ng inuyama. |
| 27 Images | Made with JAlbum & JK |