|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
| ||||||||||
|
|
|
|
|
|
|
|
|
| ||||||||||
|
|
|
|
|
|
|
|
|
| ||||||||||
|
|
|
|
|
|
|
|
|
| ||||||||||
|
|
|
|
|
|
|
|
|
| ||||||||||
|
| sa aking ikalawang pagtungo sa takasaki, ninais namin libutin ang lugar upang malaman kung ano ang nasa dako pa roon. bago pa man, may naaninag si sir elips na buddha (hanapin sa morning trip 09) at sinubukan naming puntahan ito. sa kasamaang palad, hindi namin ito nahagilap. sa halip, napadpad kami sa isang maliit na templo at yun na lang ang aming tiningnan. natapos ang umaga at hapon namin sa pagmamasid ng mga sakura at pamamahinga sa mga liwasang nagkalat duon. sabado ng gabi, kami ay kumain sa isang sushi-han, at nagpatuloy ang aming pagliliwaliw sa isang malaking simbahin malapit sa aming kinainan. nung sumunod na araw, matapos magsimba, naglibot-libot muli kami, at napadpad sa iba't-ibang liwasan (ng mga bulaklak/puno, ng mga nagbibisikleta). dahil sa gutom, kami ay nagtungo sa kfc (yahooo!!!), at sa aming pagtahak ay may nakita kaming isang karaoke bar na may inom-ng-lahat-ng-makakaya-mo at kain-ng-lahat-ng-ice cream-na-makakaya-mo (hwaw, para mawalan ng boses yung ayaw mong kumanta), kung kaya't pagkatapos ng tanghalian kami ay dumiretso dito, at nag-ubos ng oras hanggang kelangan ko ng mag-ayos ng pabalik sa tokyo. |
| 51 Images | Made with JAlbum & JK |