|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
| ||||||||||
|
|
|
|
|
|
|
|
|
| ||||||||||
|
|
|
|
|
|
|
|
|
| ||||||||||
|
|
|
|
|
|
|
|
|
| ||||||||||
|
|
|
|
|
|
|
|
|
| dumaan at lumampas ang summer vacation break ng wala kaming nagawang kakaiba. mabuti na lamang at niyaya at isinama kami ni momo sa taunang (yata) outing nila ng kanyang mga kabarkada. kung kaya't alas tres ng umaga ng huling sabado ng agosto kami ay bumaybay ng daan patungong kamo, patungo sa bahay nila momo. tulad ng dati, pinaghanda kami ng kanyang ina ng masarap na agahan. makapahinga ng konti ay nasa daan na muli kami (ako, bonn, zach, jay at mona, momo, shon-san, eguchi-san). matapos tagpuin ang mga kaibigan ni momo (mga 9 pang hapon), sinundo namin sina gauvs at alwyn sa istasyon sa nara. pumunta kami sa isang grocery upang pakyawin ang mga kakailanganin sa camping. matapos nito ay dinayo na namin ang ilog ng totsukawa (mag aalas-nwebe ng umaga). napakahaba (at nakakahilo!) ang biyahe, na may mga kasamang cr breaks, pagkaligaw, at pag-ikot sa daan. gayunpaman, maganda ang tanawin habang nasa sasakyan (tingnan ang mga larawan). una naming tinungo ang isang hanging bridge na bumabaybay sa ilog. 300 metro ang haba (at taas?), kinakailangan ng limang minuto upang matawid ito (at 5 pa ulit na minuto para bumalik). sunod nito ay dumerecho na kami sa camp site (makalipas ang mga 2 oras, 1 cr break, at ilang pagkaligaw). bago mag-ala-singko, pagkatayo ng mga tents at pagkaayos ng mga gamit ay sinugod namin ang ilog. sa kasamaang palad, napakalamig ng tubig! pagkalublob ng ilang minuto ay nakuntento na akong magtampisaw-tampisaw na lang sa gilid at panoorin ang mga kasama ko (na makakapal ata ang balat) maglaro sa tubig. bago pa dumilim kami ay bumalik sa camp site upang magpahinga (habang nagluluto ang mga hapon), kumain, maginuman at magkwentuhan. mga hatinggabi kami ay nagtungo sa bukas na lugar upang magpaputok ng mga... paputok (ano pa ba), na tradisyon nila sa lugar na ito. matapos nito naglakad kami pabalik sa kampo at natulog. sumunod na umaga, habang nagluluto ng agahan ay inayos na namin ang kampo. makakain kami ay nagimpake na at tumuloy sa bagong lugar na paglalanguyan. puno ng tao ang lugar na ito, na ang ipinagmamalaki ay ang matatayog na bato na maaari mong talunan patungong tubig. matagal tagal kaming nanatili sa lugar, subalit bago maiayos ang kakainin ay bumuhos ang ulan at napilitan kaming humayo. makaraang maligo sa isang onsen, nagtungo kami sa isang ramen-an upang maghapunan. sa kasamaang palad, marami-raming pagkaligaw ang nangyari at tunay na gutom na kami ng marating ang lugar makaraan ang tatlong oras. makakain, kami ay nagkuhanan ng ilan pang mga litrato, bago nagpaalamanan, at nasa van na muli kami patungong inuyama ng alas-otso ng gabi. bagamat tinulog ko ang tatlong oras na biyahe, madali akong nakatulog sa aking kama pagdating namin. |
| 49 Images | Made with JAlbum & JK |