|
|
19 Images |
|
|
2005.02.26 (jk) - enchanted kingdom 38 Images |
|
|
2005.04.23 - 2005.04.24 (jk) - white beach, puerto galera 41 Images |
|
|
2005.10.22 - 2005.10.23 (jk) discovery hotel, ortigas 51 Images pamamaalam na pagtitipon para sa pag-alis ni jason at bonn patungong japan |
|
|
2005.10.31 (j) - arrival and place of stay 5 Images dumating kami sa japan ng lampas alas-8 ng gabi... matapos sumakay ng tren papuntang inuyama na tumagal ng lampas 1 oras, kami ay kinita ni toffee, jay at ng kanyang gf sa istasyon. matapos nito kami ay kumain ng una naming hapunan sa japan, at nagtaxi patungo sa aming titirahan. naligaw ng konti, ngunit mga bandang alas dose ng hatinggabi kami ay nasa kanya kanya ng silid... pasensya sa konting litrato, ala pa kaseng camera e... |
|
|
10 Images sa kadahilanang ang inuyama ay may pagka-probinsya, kami ay nagtungo sa osu (malapit sa nagoya) upang maningin ng mga mabibili. makalipas ng mga isang oras na tren, dumating kami sa osu. kasama sa mga aktibidades namin sa araw na ito ay ang tanghalian sa isang ramen house, pagbili ni zach ng canon powershot a620, pagbili ni bonn ng ipod na may video, panonood ng arcade games, pagwiwindows shopping, paglalakad lakad, pagkain ng sushi, at iba pa. :) paumanhin muli sa kakulangan ng litrato... |
|
|
43 Images sa aming unang araw sa kyoto kami ay nagtungo sa universal studios japan (na sa katotohanan ay nasa osaka, kung kaya't kami ay bumiyahe pa ng lampas 1 oras upang marating to). matapos ang maikling agahan sa mcdonalds (unang kain namin nito sa japan), kami ay pumasok na ng bago mag alas diyes ng umaga. lumalabas na ang alas diyes ay tanghali na, sapagkat ng puntahan namin ang spiderman (ang pinakasikat na attraksyon sa lugar na ito, kami ay pumila ng humigit kumulang 45 minutos bago nakasakay sa 3 minutong ride. dahil sa sabado, di maiiwasan na maraming tao, kung kaya't lahat ng ride na puntahan namin ay palaging may pila, pinakamaikli na ang 45 minutong paghihintay. kasama sa mga ginawa namin ay pagsakay sa mala-roller coaster na jurassic park; kumain ng tanghalian sa chinese resto na nakalimutan ko ang pangalan; nood ng mga sideshows tulad ng mga batang babaeng nangcicircus, mga lifeguard sa may jaws na nagpapakitang gilas, mga nagkakantahan; nood ng shrek na 4d animation; kumain ng turkey leg; magpacute at magpalitrato; manood ng night show; at marami pang iba. dahil sa karamihan ng tao hindi namin nasakyan lahat ng rides, at lumalabas na kulang ang isang araw para ikutin ang lugar na ito. gayunpaman, sulit ang araw na ito bagamat nakakapagod. marami kaming naranasan, tulad ng panonood sa puting banyaga na nagninihongo na nag 1-man show sa labas ng usj bago kami sumakay sa tren pauwi. |
|
|
2005.11.13 (j) - kiyozimu temple and nijo castle 27 Images sa aming ikalawang araw sa kyoto kami ay nagtungo sa 2 lugar kung saan mababalik tanaw ang lumang japan. ang unang balak ay ang makadaan sa tatlong templo at sa imperial castle subalit dahil sa kakulangan ng oras (at sa di inaasahang tanghaling pag-gising) nauwi kami sa pagpunta sa dalawang lugar lamang. unang naging destinasyon ay ang kiyomizu temple. pagkababa sa 30-minute bus ride (na nagkakahalagang Y500 pero unlimited na na sakay sa bus), naglakad kami paakyat ng bundok upang marating ang templo (buddhist malamang). Kasama sa mga ginawa namin ang paghuhugas ng kamay, pagtirik ng insenso, pagpapapiktyur, pagring ng dambana, pagpapapiktyur, paglalakad, pagkain ng dango (Y400 15 pieces), etc. matapos nun, naglakad kami ng mga trenta minutos (para umiwas sa trapik) at sumakay ng bus ng mga trenta minutos muli par marating ang nijo castle. kilala ang nijo castle dahil sa maingay nitong sahig (squaking floors) na humuhuni tulad nightingale kung may aapak dito (proteksyon ng shogun laban sa mga ninja). bawal kumuha ng litrato sa loob, kung kaya't puro sa hardin na lamang ang mga litrato. matapos nito kami ay sumakay sa bus pabalik sa kyoto at sumakay, at isa pang bus papauwi naman ng inuyama. |
|
|
2005.12 (k) - pics sa office..last day of work ng 2005 15 Images |
|
|
6 Images ang aking pagsubok na makakuha ng stuff toy para maipasalubong sa loves ko ngayong pasko... |
|
|
29 Images mga ilang kuha sa loob at labas ng aking tinutuluyan dito sa japan... |
|
|
2005.12.24 - 2005.12.31 (j) - christmas, new year and in betweens 18 Images mga ilang litrato ng aming pasko at bagong taon sa joyfull restaurant, at ang pakikipagkita namin sa aming mga sensei nung ika-26 ng disyembre sa nagoya. |
|
|
2006.01.21 (j) - higashiyama zoo, botanical garden, and sky tower 87 Images sa ikatlong weekend ng bagong taon dinaos namin ang aming 2005 christmas party. nung sabado ng naturang weekend, nagpunta kami sa higashiyama zoo, botanical garden at sky tower. matatagpuan ang lahat ng ito sa nagoya. una naming nilibot ang mga kahayupang nakakulong, at bago umabot ang tanghali ay nakita na rin namin ang mga kahalamanan. kumain kami ng eat-all-you-can tanghalian sa sky tower kung saan tumagal kami ng halos dalawang oras. matapos nito ay pinuntahan namin ang vivarium kung saan makikita ang mga hayop na kelangan nasa madidilim na lugar. natapos ang araw sa pagbili naming ng telepono (alang larawan) at pag-uwing paguran. |
|
|
2006.01.22 (j) - nagoya port and villagio italia 103 Images sa ikalawang araw ng aming christmas party 2005 kami ay nagtungo sa nagoya port upang tumingin naman ng mga kahayupang pandagat. bagamat mas maliit sya kesa sa pinuntahan namin nung nakaraang araw, lumampas pa rin kami ng 3 oras para libutin ang lugar. nabusog ang aming mga mata sa iba't ibang uri ng isda, pagong, dolphins, atbp. nabusog ang aming mga tyan sa aking unang tikim dito ng kfc (sa wakas!!!!) kahit ala silang gravy. pagkakain, at dahil maaga pa, tinungo na rin namin ang malapit na villagio italia, na sa pangalan pa lang ay malalaman na kung ano ang nasa kalooban. dito kami ay muling naglitratuhan, sumakay sa gondola, at uminom ng kape. natapos muli ang araw at kami ay umuwi muli ng paguran ngunit masaya sa kinalabasan ng aming pagdiriwang. |
|
|
2006.02.05 (j) - alone to juujou 22 Images ang mag-isang paglalakbay ko upang gampanan ang hiningin pabor ng isa kong kaibigan |
|
|
2006.03.13 - 2006.03.15 (jk) - takasaki with kyashi 25 Images sa kabutihang palad (para sa kin!), pinapunta si kyashi sa japan biglang bahagi ng isang bagong proyekto ng kumpanya. kung kaya't nung ika labing tatlo ng marso ako ay tumungo sa narita airport upang salubungin ang kanyang pagdating at tumulong sa kanyang mga unang araw sa bansa. sa mga ilang araw na ito ay aking nilakad lakad ang mga kalye ng takasaki habang hinihintay na matapos ang kanyang trabaho. nang may ikatlong araw ako ay nasa tren na muli, maligayang nilalakbay ang lampas limang oras pabalik sa inuyama. |
|
|
2006.03.18 - 2006.03.19 (j) - weekend in nara 42 Images wala pang ala-sais ng umaga, sabado, kami ay lumisan patungo sa eki upang maglakbay papuntang nara, sa imbitasyon ng kaopisina naming hapon na si momo. matapos makapananghalian sa kanilang bahay, kami ay tumuloy sa nara kouen upang bisitahin ang iba't-ibang atraksyon duon tulad ng todaiji temple at ng kasuga temple. matapos mamahinga sa starbucks tinunton naming ang gym at nagbabad sa basketball ng lampas dalawang oras. matapos nito kami ay nagpunta sa onsen (japanese bath) upang ipahinga ang katawan sa mainit na tubig (paumanhin, bawal ang kamera sa loob hehe...), pantanggal ng sakit ng katawan. makaraan ang ilang sandali kami ay kumain ng hapunan (okonomiyaki), at tinapos ang nakakapagod na araw sa pamamagitan ng 2 rounds ng bowling (nakalimutan kong kumuha ng litrato). natulog kami ng mag aala-singko ng linggo, at pagkagising at pagkakain ng agahan/tanghalian ng bago mag-alas-dos ng hapon ay iniwan na namin ang nara. |
|
|
2006.04.01 - 2006.04.02 (jk) - takasaki with kyashi 2 51 Images sa aking ikalawang pagtungo sa takasaki, ninais namin libutin ang lugar upang malaman kung ano ang nasa dako pa roon. bago pa man, may naaninag si sir elips na buddha (hanapin sa morning trip 09) at sinubukan naming puntahan ito. sa kasamaang palad, hindi namin ito nahagilap. sa halip, napadpad kami sa isang maliit na templo at yun na lang ang aming tiningnan. natapos ang umaga at hapon namin sa pagmamasid ng mga sakura at pamamahinga sa mga liwasang nagkalat duon. sabado ng gabi, kami ay kumain sa isang sushi-han, at nagpatuloy ang aming pagliliwaliw sa isang malaking simbahin malapit sa aming kinainan. nung sumunod na araw, matapos magsimba, naglibot-libot muli kami, at napadpad sa iba't-ibang liwasan (ng mga bulaklak/puno, ng mga nagbibisikleta). dahil sa gutom, kami ay nagtungo sa kfc (yahooo!!!), at sa aming pagtahak ay may nakita kaming isang karaoke bar na may inom-ng-lahat-ng-makakaya-mo at kain-ng-lahat-ng-ice cream-na-makakaya-mo (hwaw, para mawalan ng boses yung ayaw mong kumanta), kung kaya't pagkatapos ng tanghalian kami ay dumiretso dito, at nag-ubos ng oras hanggang kelangan ko ng mag-ayos ng pabalik sa tokyo. |
|
|
2006.04.15 - 2006.04.16 (jk) - takasaki with kyashi 3 28 Images sa isang medyo walang nangyari na linggo, nagsimula ang lahat matapos namin pumunta sa internasyonal (o sa ibang salita, tagalog) na misa isang hapon. nagkaroon ng salosalo upang ipagdiwang ang linggo ng palaspas, at dahil may libreng pagkain (at dahil may natatagong intensiyon si kyashi), nanatili kami at nakihalubilo sa mga pilipinong naroroon. matapos nito, kami ay naglibotlibot muli, at sa kapaguran ay naisip na lamang na maglitratuhan sa ibabaw ng overpass (bagamat sa init ng araw). nagpatuloy ang aming paglalakad at paglilibot, at isa sa aming mga tinigilan ay ang mos burger, upang makapagpahinga. |
|
|
2006.05.04 (jk) - tokyo disneyland 119 Images nitong unang golden week namin sa japan binalak namin (mga gwapo na taga-inuyama) na dumayo sa tokyo at doon magpalipas ng limang araw na walang pasok. umalis kami sa nagoya ng maghahating-gabi at bago pa mag ala-sais ng umaga ay narating na namin ang aming pakikituluyan sa mga sinabing mga araw. makalipas ang wala pang isang oras bumiyahe na kami ni zach patungong disneyland. makaraang pumila ng isang oras upang makabili ng 2-day tickiet, nakapasok na kami sa tinaguriang lugar. mga ilang sandali pa ay nakatagpo na namin sina kyashi kasama si sir elips at abi. at nagsimula na ang aming paglilibot. ilan sa mga nadatnan at nagawa namin ay: kumain; maglakad-lakad; sumakay sa mga rides (haunted mansion, space mountain, pooh!, star wars, atbp.); kumain; sumakay sa kahoy na bangka; maglitratuhan; manood ng mga parada; kumain; at marami pang iba. ilan sa mga hindi namin nadatnan at nagawa ay; magpalitrato sa may kastilyo ni cinderella sa pagkat ito ay ginagawa; :( makapanood ng fireworks sapagkat hindi ito natuloy dahil daw sa kasamaan ng panahon. :( gaya ng inaasahan, sa karamihan ng mga tao ay hindi naman nasakyan lahat ng mga rides. ganunpaman, umuwi kaming pagod, at dumating sa aming tutulugan na lampas na ng hatinggabi. |
|
|
2006.05.05 (j) - tokyo disneysea i 68 Images ng sumunod na araw, ang katabing atraksyon naman ng disneyland ang aming pinuntahan. dahil sa 2-day pass ang binili naming ticket ng nakaraang araw, hindi na namin kinailangan pumila kung kaya't nakapasok kami agad sa disneysea. 5 muli kaming nagpunta dito, subalit iba na ang komposisyon ng grupo : ako, zach, toffee, aldy at mara. kung ikukumpara ang dalawang lugar ay madaling masasabing mas magaganda ang mga tanawin sa disneysea. maaayos rin ang mga rides dito, subalit tulad ng sa disneyland, ay mejo bitin at mejo pambata ang dating. ilan sa mga nadatnan at nagawa namin ay: kumain; maglakad-lakad; sumakay sa mga rides (indiana jones, raging spirits, journey to the center of the earth, 20000 leagues, storm rider, atbp.); kumain; manood ng mga palabas sa tubig; maglitratuhan; bumili ng mga pasalubong; kumain; at marami pang iba. dahil hindi nakasama si kyashi, at dahil nangako ako kay kyashi na hindi ko sya ibibili ng pasalubong, nagpabili ako kay toffee ng unan na ibibigay ko sa kanya (hehehe). tulad ng nakaraang araw, hindi muli natuloy ang pagpapalabas ng fireworks dahil sa kasamaan ng panahon. :( gayunpaman, malalim na rin ang gabi bago kami nakauwi, subalit bago pa maghatinggabi kami ay nasa bahay na. ----- sumunod na araw akihabara naman ang aming tinungo. ang akihabara ay sikat sa bansang ito bilang bilihan ng kahit anong may kaugnayan sa makabagong teknolohiya sa murang halaga. naglibot-libot kami dito, subalit ala akong binili. pagdating ng gabi, pinuntahan naming ang pinsan ni kyashi (sa may shinjuku), na nanlibre sa amin ng hapunan (huling 2 litrato). |
|
|
2006.05.27 - 2006.05.28 (jk) - inuyama with kyashi 53 Images makalipas ng ilang linggong pagtungo sa takasaki kami naman ang pinuntahan nina kyashi sa inuyama. unang naging balak ay puntahan ang nagoya port (na napuntahan na namin noong ika 22 ng enero, subalit di pa napupuntahan nila kyashi), subalit sa kastilyo (?) ng nagoya na lamang kami pumunta. bago nito, dinala muna namin sila sa halos lagi na naming kinakainan sa inuyama: ang viking, isang kainin-ang-lahat-ng-kaya-mong-kainin na kainan, at ang joyfull, na meron namang inumin-ang-lahat-ng-kaya-mong-inumin. |
|
|
2006.06.03 (jk) - tokyo disneysea ii 122 Images sa aking ikalawang pagpunta sa naturang lugar, kasama ko na sina kyashi at iba pang kakumpanya na naninirahan malapit dito. ngunit dahil sa iba't ibang lugar nanggaling, iba't-ibang oras kami dumating, kung kaya't naghintayan pa. subalit ng magkatipon-tipon na matapos ang halos isang oras na paghihintay, kami ay umusad na papasok. bagamat pangalawang beses ko na na nakapunta, hindi naman nalustay ang bayad sapagkat mararami rami kaming nagawa ngayon na hindi ko nasubukan ng una. kalimitan ng mga ito ay ang panonood ng mga pangteatrong palabas tulad ng mystic rhythms, show ni ariel, at show ni genie. ang aming pananghalian ay sa ibang lugar din kumpara nung una. natural, hindi kumpleto ang karanasang disneysea kung hindi sasakyan ang mga sikat na attraksyon tulad ng indiana jones, raging spirits, storm riders, 20000 leagues, at iba pa. sa kamalasang palad, ginagawa ng araw na iyon ang journey to the center of the earth kung kayat nabawasan ang aming maaaring pilahan. muli kong nasulyapan ang evening show ng tubig at apoy, ngayon sa kabilang dako naman ng eksena. at sa kabutihang palad, bagamat mejo may kasamaan ang panahon (mejo lang), natuloy rin ang pagpapaputok ng mga paputok ng gabing yun. hindi kakaiba, mejo normal lang ang mga paputok, subalit ayos na rin. natapos ang gabi sa paglilitratuhan sa may globo (hindi ko maisip ngayon kung ano ang tagalog nito hehe), at linisan namin ang disneysea ng pagod subalit masaya. |
|
|
2006.07.16 (jk) - birthday celebration 14 Images dahil ang aking kaarawan ay pumatak sa hwebes, ipinagdiwang na lang namin ito ng dumating na linggo. matapos ng agahan na cake (salamat kay momo!), kami ay umusad patungong nagoya. aming dinayo ang outback upang makatikim naman ng hindi lokal na pagkain (maliban sa mcdo at iba pang fastfood chains din). sinagupa namin ang bottomless na tinapay (hehe) at inumin bilang panimula, at sinugod ang iba't-ibang uri ng steak at pasta. busog! (salamat kay zach sa mga litrato sa loob ng outback dahil hindi kaya ng aking kamera ang kadiliman ng lugar). |
|
|
10 Images ika-bente-otso ng hulyo. alas-tres ng umaga. araw ng pag-uwi nila kyashi sa pinas. nauna na ng isang linggo sina sir elips at maam chriselle kung kaya't si kyashi at abi na lang at papalaot (hehe pede bang gamitin to sa eroplano). mga ilang kuha habang naghihintay ng taxi patungong sakayan ng bus at habang naghihintay ng bus patungong paliparan. |
|
|
2006.08.11 (k) - 2 nights spent with eybbie and friends 4 Images namiss ko ang mga ex-officemates ko..that's it! hehe...para me bagong pics naman dito sa multiply na ito! hahaha.... |
|
|
19 Images hrmm, ang mga litratong ito ay dala lamang ng sobrang paghihintay sa aking irog...hehe...nawa'y naging masaya ang panonood nila ng "transformers"...at nawa'y abutan pa ako ni jason na gising...hehe...misssssss na kitaaaaaaa labskeeeeeeeee!! uwi ka na ha... mwah:* |
|
|
2006.08.26 - 2006.08.27 (j) - totsukawa outing 49 Images dumaan at lumampas ang summer vacation break ng wala kaming nagawang kakaiba. mabuti na lamang at niyaya at isinama kami ni momo sa taunang (yata) outing nila ng kanyang mga kabarkada. kung kaya't alas tres ng umaga ng huling sabado ng agosto kami ay bumaybay ng daan patungong kamo, patungo sa bahay nila momo. tulad ng dati, pinaghanda kami ng kanyang ina ng masarap na agahan. makapahinga ng konti ay nasa daan na muli kami (ako, bonn, zach, jay at mona, momo, shon-san, eguchi-san). matapos tagpuin ang mga kaibigan ni momo (mga 9 pang hapon), sinundo namin sina gauvs at alwyn sa istasyon sa nara. pumunta kami sa isang grocery upang pakyawin ang mga kakailanganin sa camping. matapos nito ay dinayo na namin ang ilog ng totsukawa (mag aalas-nwebe ng umaga). napakahaba (at nakakahilo!) ang biyahe, na may mga kasamang cr breaks, pagkaligaw, at pag-ikot sa daan. gayunpaman, maganda ang tanawin habang nasa sasakyan (tingnan ang mga larawan). una naming tinungo ang isang hanging bridge na bumabaybay sa ilog. 300 metro ang haba (at taas?), kinakailangan ng limang minuto upang matawid ito (at 5 pa ulit na minuto para bumalik). sunod nito ay dumerecho na kami sa camp site (makalipas ang mga 2 oras, 1 cr break, at ilang pagkaligaw). bago mag-ala-singko, pagkatayo ng mga tents at pagkaayos ng mga gamit ay sinugod namin ang ilog. sa kasamaang palad, napakalamig ng tubig! pagkalublob ng ilang minuto ay nakuntento na akong magtampisaw-tampisaw na lang sa gilid at panoorin ang mga kasama ko (na makakapal ata ang balat) maglaro sa tubig. bago pa dumilim kami ay bumalik sa camp site upang magpahinga (habang nagluluto ang mga hapon), kumain, maginuman at magkwentuhan. mga hatinggabi kami ay nagtungo sa bukas na lugar upang magpaputok ng mga... paputok (ano pa ba), na tradisyon nila sa lugar na ito. matapos nito naglakad kami pabalik sa kampo at natulog. sumunod na umaga, habang nagluluto ng agahan ay inayos na namin ang kampo. makakain kami ay nagimpake na at tumuloy sa bagong lugar na paglalanguyan. puno ng tao ang lugar na ito, na ang ipinagmamalaki ay ang matatayog na bato na maaari mong talunan patungong tubig. matagal tagal kaming nanatili sa lugar, subalit bago maiayos ang kakainin ay bumuhos ang ulan at napilitan kaming humayo. makaraang maligo sa isang onsen, nagtungo kami sa isang ramen-an upang maghapunan. sa kasamaang palad, marami-raming pagkaligaw ang nangyari at tunay na gutom na kami ng marating ang lugar makaraan ang tatlong oras. makakain, kami ay nagkuhanan ng ilan pang mga litrato, bago nagpaalamanan, at nasa van na muli kami patungong inuyama ng alas-otso ng gabi. bagamat tinulog ko ang tatlong oras na biyahe, madali akong nakatulog sa aking kama pagdating namin. |
|
|
2006.09.08 (j) - toffee's birthday 35 Images mga piling larawan mula sa kaarawan ng aming lider sa inuyama, walang iba kundi si toffee. pinaraos namin ang gabi sa isang kainan sa inuyama kung saan mayroong inuman at karaoke. ang mga lumahok sa nasabing pagtitipon ay si ako, bonn, jay, momo, mona, nitta, toffee at zach. paumanhin at hindi masyadong naiayos ang ilaw ng kamera, na nagresulta sa pamumula ng mata ng ilang mga tao. |
|
|
2006.09.09 (j) - company barbecue 31 Images upang patibayin ang ugnayan ng mga magkakaopisina, nagdaos ng isang barbecue ang aming pinuno sa isang kampo sa inuyama. libre ang pagkain at inuman matapos naming magbayad nung nakaraang araw. lulan ng ilang sasakyan mula sa istasyon ng inuyamaguchi, binaybay namin ang tatlumpong minutong daan patungong camp site. pagdating, ang mga may kinalaman ay nag-ayos na ng mga kinakailangang ayusin para sa barbecue. makaraan ang ilang oras (humigit kumulang apat) ng pagbabarbekyu, pagiinom, pagtulog, paglilitrato, at pakikihalubilo, kaming mga walang dinalang kagamitang pangbarbekyu ay nagligpit na ng pinagbarbekyuhan. di nagtagal ay nakasakay na muli kami sa mga sasakyan na maghahatid samin malapit sa opisina. |
|
|
2006.09.16 (jk) - osaka aquarium kaiyuukan 129 Images muling tumungo si kyashi sa japan upang magtrabaho, at ngayo ay nadestino sya sa osaka. sa kadahilanang lingo sila dumating, hindi ko na sya nasundo, kung kaya't nung sumunod na weekend (9/16~) na lang kami nagkita. nung sabadong ito naisip namin na libutin ang ilang mga sikat na lugar sa osaka. una naming pinuntahan ay ang osaka aquarium kaiyuukan, isa sa pinakamalaking aquarium sa mundo. aming pinagmasdan at inusisa ang mga naggagandahang kahayupan sa lugar na iyon. matatagpuan ang lugar na ito sa tempozan harbor village, kung kaya't may makikita ring katawan ng tubig sa lugar na ito. matapos ang buong maghapon na paglilibot sa naturang lugar (kasama na ang pagkain, paglaro ng arcade, pagsakay ng ferris wheel, panonood ng side show, paglilitrato), nilisan na namin ito at nagtungo sa blossoms, isang lugar na sikat sa mga murang pagbebenta ng mga produkto. matapos magshopping ng mga tao kami ay kumain na rin dito at di nagtagal ay umuwi na rin. |
|
|
2006.09.16 (jk) - tempozan harbor village ferris wheel 29 Images di makukumpleto ang pagpunta sa tempozan harbor village kung hindi sasakyan ang ferris wheel dito, na dating tinaguriang pinakamalaking ferris wheel sa buong mundo. dahil anim kami sa grupo at apat lamag ang kasya sa isang sasakyan, humiwalay na lamang kami ni kyashi. heto ang naging resulta ng nasabing ekskursyon. |
|
|
2006.09.17 - 2006.09.18 (jk) - weekend in osaka 39 Images mga ilan pang litrato ng mga pangyayari sa weekend na iyon. sa kabutihang palad walang pasok sa japan nung lunes, ika-18 ng setyembre, kung kaya't nakatagal pa ako ng isa pang araw. ilan sa mga aktibidades namin ng mga araw na ito ay ang pagsimba, ang sesyon sa pangunguna ni steph (aka ate kris), pagkain ng eat-all-you can sa shakeys, at paglilibot patungong nipponbashi. |
|
|
2006.09.30 - 2006.10.01 (jk) - inuyama with kyashi 2 7 Images |
|
|
67 Images nung sabado ng linggong ito tinungo namin (jason, kyashi, sir elips) ang kobe upang bisitahin ang kaibigan ni sir elips na si marlon. nagsilbi syang tour guide namin habang nilibot namin ang magagandang lugar sa kobe. una namin pinuntahan ay ang kobe port, kung saan makikita ang iba't ibang mga inprastraktura tulad ng kobe port tower, hotel okura kobe at iba pa. tinahak rin namin ang katabi nitong kobe harborland, kung saan may iba't ibang pwedeng pagshoppingan. matapos nito nilakad namin mula sa istasyon sa kobe ang sannomiya (ata), kung saan matatagpuan ang ilan pang mga pamilihan (tingnan ang album patungkol sa osu, katulad nito ito), pati na ang chinatown ng kobe. ilang saglit pa, kami ay nasa tren muli upang dayuhin ang port bazaar, isa na namang shopping district.malapit rin dito ang sikat (ata) na akashi kaikyo bridge, o pearl bridge, na tinaguriang pinakamahabang suspension bridge sa mundo. tuwing gabi ang mga ilaw ng naturang tulay ay nagpapalit palit ng kulay. sa pagod sa paglilibot sa port bazaar ay minabuti na rin naming kumain dito (eat all you can). makaraan nito, sinubukan muli naming kuhanan ng litrato ang tulay, at makalipas ang ilang sandali ay nasa tren na ulit kami pauwi ng osaka. ang mga naunang litrato pala ay mula sa pa-despedida kay sir andrew, na sa panahon ng pagkuha ng mga litratong ito ay nasa isa pang pa-despedida. ginanap ito ng biyernes ng gabi, na naging dahilan rin kung bakit hindi nakasama ang iba naming mga kasama papuntang kobe. |
|
|
2006.10.07 (jk) - sunset and the akashi kaikyo bridge 7 Images trips trips lang na mga kuha. hindi ginamitan ng mamahaling kamera, walang kakaibang lens, mga litrato gamit lang ang iba't ibang settings sa kamera. |
|
|
2006.10.09 (jk) - osaka castle 43 Images at isa pang kastilyo ang aking nilakbay, ngayon naman sa lugar ng osaka. sa kasamaang palad ay hindi ko nakargahan ang baterya ng aking kamera kung kaya't kokonti na nga ang mga litrato, hindi pa mataas ang mga kalidad nito. :( |
|
|
2006.10.11 (j) - bonn's birthday 64 Images mga piling larawan mula sa kaarawan ni bonn. mukhang may problema ang aking panglitrato sa ami ng nagpupulahang mata... tulad ng nakagawian, idinaos namin ang isang kaarawan sa isang videoke, at eto ang mga naging resulta. |
|
|
2006.11.25 - 2006.11.26 (jk) - kyashi's birthday weekend 54 Images sa taong ito aming dinaos ang kaarawan ni kyashi ng magkasama dito sa japan. tulad ng kinagisnan idinaos namin ang isang kaarawan sa isang videoke - subalit sa okasyong ito ay napilitan muna kaming kumain sa kadahilanang ginagamit pa ang lahat ng silid-kantahan. hindi rin kami natiis ng may ari at nakapag labas naman kami ng aming mga awit makalipas ang wala pang dalawang oras na paghihintay. nang sumunod na araw, kami ay nagtungo ng nagoya, at dito ay naglitratuhan sa mga nag-gagandahang puno ng pasko doon. |
|
|
17 Images ang una kong paguwi matapos madestino ng mahigit 1 taon sa japan... |
|
|
2006.12.20 (j) - fireworks over ust 107 Images |
|
|
2006.12.24 - 2006.12.25 (jk) - christmas at home 38 Images ang pagdiriwang ng pasko sa pinas kasama ang pamilya matapos gawin ito sa japan kasama ang 2 kaupisina nung nakalipas na taon |
|
|
2006.12.29 (j) - tripping sa moa, party at home 96 Images ekskursyon sa moa kasama ang kapamilya at ilang kamag-anak, na nauwi sa christmas party nung gabi. |
|
|
2006.12.31 - 2007.01.01 (j) - new year! 183 Images |
|
|
2008.12.19 (jk) - aws christmas party 60 Images |
|
| pictures of jason and kyashi captured through out the years... |
| Total images: 2124 | Last update: 3/24/09 7:36 PM | Made with JAlbum & JK |